in your fez!
Friday, March 7, 2008
Para namang magazine na walang budget tong blog ko! Once or twice a month na nga lang yung entry… ang boring boring pa! wahahahahahah!! Anyway, I deeply appreciate those people who contributed to my monthly traffic. Though wala naman syang malaking impact sa buhay ko, it is of great joy na malaman na may nagbabasa ng mga sinusulat ko…hihihi… Pa-sixteen!!!! Aaaaargh!!! Sobrang daming nangyari during the last two months and how I wish I have shared those to you right at the very moment na fresh pa ang mga nagbabagang eksplosibong eksklusibo!!. Letse kasi tong bago naming location sa Metro Manila… madali lng syang tuntunin actually… bale baba ka sa dulo na MRT station (NORTH EDSA), sumakay ka sa pinakudulo sa paradahan ng jeep, baba ka sa dulong village, tahakin mo ang street at lumiko sa dulong kanto, pumasok ka sa dulong bahay, tapos katukin mo yung dulong unit…. ayun bahay na namin yun… tapos huminga ka ng malalim, makihingi ng tubig, at iappreciate ang tunog ng mga kuliglig at malamyang hampas ng hangin sa mga puno ng niyog at alatiris. Tapos tingnan mo ang paligid… maghanap ka ng sari sari store … wala … ng carinderia …. wala … ng laundry shop, 7 eleven, ministop, vendor ng juice na may ibat ibang kulay, nagbebenta ng mane … WALA …. wala nga lahat internet cafe pa kaya!? NICE!!! Actually, may Internet Cafe naman sa kabilang kanto.. pero tingin ka ulet… meet ESPAT (tagalog daw ng SPOT), Heart, Jekob (tagalog espelling daw ng Jacob), Luningning, Patraz, at yung naglalaway na may matatalim na pangil sa dulo ay di ko kilala, pero matagal ng gumagala sa baranggay namin yan! … O sige nga mag-internet ka nga sa kabilang kanto… the juice is not worth the squeeze mare!!! heheheheh!!!! kKung ayaw mong gawing pulutan ng mga aso sa baranggay namin, dapat huwag ka ng lumabas ng bahay pag-lampas ng alas-diyes. Pag di ka pa nakakauwi paglampas ng alas-diyes… wag ka na umuwi… mag-overnight ka n lng ng inuman sa Jay-J’s, o kaya eh mag non stop internet sa Alva sa PHILCOA (na walang friendster, walang headset, minsan walang aircon, malamok, at simbilis ng usad ng career ni Wowee de Guzman ang pacing!)… Di ka matutulungan ng mga tanod sa amin, dahil hinde sila pro-active at mga aso din nila yun. Hmmmmmmmm …. so what’s new? Nag-ni-nailcutter na ko! So, yung mga kuko ko e bagong tubo!! Yun lang!heheheheh ….











