Unang Banat for Summer O8 - delayed broadcast
Thursday, March 27, 2008 
Joskow! Mangangalahati na ang summer!!! As of presstime eh… nakatatlong banat na ata kmi hehehehe …. Sobrang delayed na naman ang brosdcast, as usual… Anyway, eto na yung ibang pics from our Batangas Trip, a week before Holy week. March 16 ata yun….
VISITA
Good Friday. Bored. Bored. Bored.
Of all ideas, we ended up spending the afternoon sa Intramuros.
Nang nanaginip si Fred at nagising!
Tuesday, March 25, 2008Di mo siya kilala, di mo alam kung nasaan ka, di mo alam kung saan kayo pupunta, at di mo rin alam kung bakit … mahal mo na siya…
O yes folks. It all started as a dream. Di ko alam kung anung tinira nitong kaibigan ko at nanaginip ng isang buong script para sa isang pelikula. I love the idea, kaya nainspire akong gawan ng poster. Pandikit lng sa visualization board niya hehehhe ….
SYNOPSIS
All Champ needed was a cab home. He had no idea of things to happen the moment he stepped foot in Sid’s taxi. Champ woke up in the middle of nowhere with the cab driver (SID) and 2 other strangers ( Heart and Jay). Champ has no connection at all with these 3 people who had issues of their own. What supposed to be a ride home became Champ’s ride of his life as he struggled to solve the mystery and define his purpose.
Yun lng naintindihan ko sa kwento ni Fred eh! Labo nga din. Lasing na rin kasi ako nun nung kinukwento nya. hehehe … Pero nice di bah. Tapos, etong Champ, throughout the movie ay unti-unting nai-in-love kay Sid. Heart is supposed to be the balahura rich brat na girlfriend ni Sid, na tinakas nya with the help of his sidekick na si Jay. Si Champ, all those times, eh sabit lng. Malas nya lng at nasa taxi sya by that time. The whole joyride would then be each individual’s journey to discovery which would eventually lead to a climatic ending.. echos!!. heheheh …. Kailangan pang tirahin ni Fred yung kung anumang tinira niya para mapanaginipan ang sequel…
Unang Hagupit!
Whoa! Grabe and init!!!! Scorching!! And to top it all… Nyeta!! … Naputulan pa kami ng kuryente kanina! Weheheheh …. nakalimutan ko kasing bayaran / nakakatamad kasing magbayad / wala na akong pambayad. Pero anyway, na-prompt ko na si Mama na sabihin sa mga kapit-bahay na , unfortunately, my online payment didnt go through… We called Meralco and our services would be back tomorrow… We tried to pay! But it just so happened that there was a glitch and my son was not informed about it! Etchos! Sana naman wagi ang performance ng nanay ko sa pagbigkas ng script na toh! Heheheh!!
Going back —–> whoooosh —–> The "Cool Crowd" (kami yun.. weheheh) went to Laiya last week (yeah I know,super delayed ang broadcast ko…. I plan to Blog din about what happened sa Christmas Party, pero na-realize ko na di ko na rin maalala ang buong kwento! hehehe!) …. syet inaantok ako… tapusin ko to later …
in your fez!
Friday, March 7, 2008
Para namang magazine na walang budget tong blog ko! Once or twice a month na nga lang yung entry… ang boring boring pa! wahahahahahah!! Anyway, I deeply appreciate those people who contributed to my monthly traffic. Though wala naman syang malaking impact sa buhay ko, it is of great joy na malaman na may nagbabasa ng mga sinusulat ko…hihihi… Pa-sixteen!!!! Aaaaargh!!! Sobrang daming nangyari during the last two months and how I wish I have shared those to you right at the very moment na fresh pa ang mga nagbabagang eksplosibong eksklusibo!!. Letse kasi tong bago naming location sa Metro Manila… madali lng syang tuntunin actually… bale baba ka sa dulo na MRT station (NORTH EDSA), sumakay ka sa pinakudulo sa paradahan ng jeep, baba ka sa dulong village, tahakin mo ang street at lumiko sa dulong kanto, pumasok ka sa dulong bahay, tapos katukin mo yung dulong unit…. ayun bahay na namin yun… tapos huminga ka ng malalim, makihingi ng tubig, at iappreciate ang tunog ng mga kuliglig at malamyang hampas ng hangin sa mga puno ng niyog at alatiris. Tapos tingnan mo ang paligid… maghanap ka ng sari sari store … wala … ng carinderia …. wala … ng laundry shop, 7 eleven, ministop, vendor ng juice na may ibat ibang kulay, nagbebenta ng mane … WALA …. wala nga lahat internet cafe pa kaya!? NICE!!! Actually, may Internet Cafe naman sa kabilang kanto.. pero tingin ka ulet… meet ESPAT (tagalog daw ng SPOT), Heart, Jekob (tagalog espelling daw ng Jacob), Luningning, Patraz, at yung naglalaway na may matatalim na pangil sa dulo ay di ko kilala, pero matagal ng gumagala sa baranggay namin yan! … O sige nga mag-internet ka nga sa kabilang kanto… the juice is not worth the squeeze mare!!! heheheheh!!!! kKung ayaw mong gawing pulutan ng mga aso sa baranggay namin, dapat huwag ka ng lumabas ng bahay pag-lampas ng alas-diyes. Pag di ka pa nakakauwi paglampas ng alas-diyes… wag ka na umuwi… mag-overnight ka n lng ng inuman sa Jay-J’s, o kaya eh mag non stop internet sa Alva sa PHILCOA (na walang friendster, walang headset, minsan walang aircon, malamok, at simbilis ng usad ng career ni Wowee de Guzman ang pacing!)… Di ka matutulungan ng mga tanod sa amin, dahil hinde sila pro-active at mga aso din nila yun. Hmmmmmmmm …. so what’s new? Nag-ni-nailcutter na ko! So, yung mga kuko ko e bagong tubo!! Yun lang!heheheheh ….























