Bayong!!
Thursday, February 7, 2008I was enjoying my stay in Pagudpud! Nyeta ang daming karne, ang daming laman… makakaskor! That’s for sure, makakaskor ako! Ang sarap ng white sand, ang sarap ng dagat …ang sarap ng araw…. ang sarap ng mga surfers… heheheh ….
I was sipping this fresh buko juice ng biglang may nagpakilalang surfer. Super drenched and super hot. Halos maubos ang pawis ko sa sobrang init na dala nya. We were enjoying our petty talk when the surfer …. Baaaaayong! Bayong! Bayoooong!!!!!
I cant believe it! After 3 years nakita ko ulet ang super mega ultimate bonggang bonggang crush ko. Siya na yung namumukod tanging mahal ko since high school. Di kami masyadong nagpapansinan noon kasi nga super ilang ako. Halos himatayin ako ng makita ko siya, lalo na ng nakita kong kumaway at ngumiti sya. Lumapit at sabay yakap ng sobrang higpit. First time na ang balat ko ay dumampi sa balat nya. Sobrang higpit ng kapit nya habang nangangamusta. Halos malunod ako sa bango at halos mawala sa sarili sa sobrang ligaya. Kumawala ako sa dibdib nya, tiningnan nya ako sa mata sabay sabing… Van…. Bayoooong!!!! Letse bayong! Bayong! Ay tanga bayong nga eh!
Ang lamig. Hinde ko pa rin malulon ang katotohanan na andito ako sa kinauupuan ko ngayon. I never expected na mararanasan ko to. Ang lamig ng dampi ng tunog ng violin habang kumakanta ng Beauty and Madness si Jed Madela. Sa kabilang banda ng mesa andun sya… hinde si Jed Madela ha.. sya… Yung sinasabi kong rason kung bakit ako humihinga… 10 minutes n kaming nagtitinginan lng… halos wala na akong saplot sa kakatingin nya saken… kitang-kita ko ang ang kaluluwa pati ang tinitibok ng puso niya. DI ko alam kung bakit, pero biglang tumulo ang luha niya… Dahan dahan syang lumapit at dumampi sa aking batok ang mainit nyang kamay. Sinubukan kong…. Baayong! Ayan tuloy Sinabi na ngang bayong eh!!! Ay naku kung nagbayong ka sana!!!
Aaaaaaaaaaaargh!!!! Ma! Ano ba nman yan ! hayaan mo na kasi kung gusto niyang mag-pera! Kung ayaw nyang mag-BAYONG, ayaw nya talagang mag-BAYONG! Ma inaantok pa ko…… pleeeeeeeeez!!!! Pag kami di nagkatuluyan ng mga ka-labteam ko …… kakapunin ko yang si Willie mo ng walang halong bahid ng awa!!! Gets?! Bye! Tulog na ako ulet… anyway… ano ulam?











