Squeezing.........

Home » Archives » 10. January 2008

PSSssssTTTtttT!!!!

Thursday, January 10, 2008

Oi! Hoy! You! Yes YOU! You stole da cookie from d cookie jar!!! Weeheheheheh ….. Miss nyo ko noh! Chos! Para ba namang may nakahalata ng pagkawala ko! hikbi!!! hikbi!!! in english … sob!! sob!!

OO! Ako nga ito! Manigas Kayo!

                                                  - JOY VIADO (Hiling)

Welcome niyo naman ako ng isang masigabong na palakpakan, hagikgikan at i-french kiss mo sa ilong ang katabi mo to celebrate! Let me start my comeback with a malupit na question….. "ANONG CHIKA FILIPINASH????"

As usual, eto  ang excerpt ng interview ko sa sarili ko, na na-publish sa Daily Inquirer…. paki-inquire na lng din sila kung kailan at kung nasaan ang kopya …. limited release kasi ….. natabunan ng balita tungkol sa mga naputukan at nawalan ng internal organs nung Bagong Taon.

AKO : Kamusta Kaibigan? Anung Chika?

VAN: Mabuti naman po!!! …..Bibigyan ko na lng po kayo ng pang autograph na sagot sa pangalawang tanong nyo …uhmmm …….. anung chika ? ….. uhmmmm "many to mention".

AKO : Kay tagal mong nawala kaibigan … anu ba ang iyong pinagka-abalahan?

VAN: Ang chaka naman! English naman daw para maiba… may spelling and grammar check naman tong computer!

AKO : OK! Answer me the way you understand my question please.

VAN: Could you please repeat it again, one moment more for the 2nd time around?

AKO : Nyeta ka! You were absent with no excuse! Where's your excuse slip. Give me a valid reason. Where, what, when and why. Please be specific and answer in not less than 5 sentences.

VAN: Okie… Pumunta akong Japan, to find out kung andun nga ang sagot sa kahirapan. Only to find out na gagawin lng pala akong pole ng mga exotic dancer . uso kasi ngayon dun yung mga ethnic dances. Aside from being a pole, suma-sideline din akong kawayan sa tinikling. Katulong ng Yakuza, labandera ni Utada Hikaru, handler ni Ken Watanabe, tagalagay ng malaking pulang bilog sa puting tela para gawing flag. Nautusan din po ako na i-translate ang lahat ng pagmumura ng Pilipino into Japanese. Pinabilang din po sa akin ang lahat ng hapon na may tattoo ng dragon at japanese characters sa buong japan!

AKO : But seriously, what happened?

VAN:Seriously?…. Well…. I was trying to find myself. The last 3 months were excruciating. I was bounded with dilemmas and was miserably tortured by unexpected chaos. My so called life, as far as I dreamed of, was supposed to be calm and serene. But all the floating clouds, birds singing and flowers blooming were taken away from me. My life was twisted and it was even twisted more, twisted severely until they cant twist it anymore. I was a helpless sheep trapped in a huge barbed-wire while I try to cross over to the green fields. The sorrow was unbearable. I was lost in a poem with no meter and no rhyme. I fell deep. I am too tired get out …. but… but….

AKO : but……..

VAN: but….. but….. but that's all… not buts…. because that's all….

AKO : Hinde kita maintindihan kaibigan …. What was that all about?

VAN: Wala…. In short…busy ako…. hehehehheheeh …..

AKO : Walang kwenta… O ano pa… anong mga nangyari sa iyo …..

VAN: Tumaba po ako ng kaunti… mga 156 grams po ang nadagdag sa timbang ko …. Hinde na po ako masyadong tsismoso… Napagtanto ko po kasi this past few days na at the end of the day, after I squeeze all the slurpy chika in tinseltown… walang maidudulot na maganda ang chismis sa buhay ko! napapagastos lng ako sa pagbili ng tabloid araw-araw para basahin sa jeep! Walang Bearing!!! charot!

AKO : OO tama ka! Katulad ng sinabi mo … wala ka nga talagang bearing …. Pwedeng magrequest? I mean … pwede bang magmaka-awa?

VAN: Sure!

AKO : Pwede ba nating lagyan ng sense ang usapang ito!?

VAN: Sure! Sense lang pala eh. Yung kapatid ko nga pala… believe it or not… nakaka-kita sya ng multo… nakakaramdam ng mga nawawalang espiritu! May sixth sense baga!

AKO : Punyeta! Ang korni mo!

VAN: Wehehehehehhe!!!

AKO : Next question n lng….  kamusta naman ang 2007 mo!?

VAN: So far …. nagpapasalamat pa rin po ako at buhay pa po ako. Humihinga, kumpleto pa ang katawan  nabawasan ang tigyawat, lumobo ang tiyan, nag-gupit ng kuko at naglalagay na po ako ng SUAVE.

AKO : Any unforgettable experiences…….

VAN: Aside sa nahold-up ako sa Malate, na-snatchan ng cellphone sa Taguig, nabugbog ng mga pariwarang cuties sa Katipunan, nagbuhat ng 7 meters na linoleum sa Divisoria, nawala sa Baguio, nawalan ng 3k bonus ng dahil sa traffic sa EDSA, naglakad mula Sauyo hanggang bahay namin sa Tandang Sora, nag gate crash sa debut ng di namin kakilala, nagtulak ng kotse sa Marikina, nakatikim ulit ng Bertdee keyk after 3 years at nagpagupit ng buhok sa parlor for the first time  …. uhmmmm so far wala namn po akong experience for this year na unforgettable ……

AKO : nyek! ….

VAN: ay!

AKO : o!?

VAN: Meron pala! I can't forget that day my crush smiled back at me! haaaaaaaaaaay!!!!!

AKO : Nyeta ka! Pwede bang sa susunod… iwas-iwasan mo ng interbyuhin ang sarili mo! nakakaburat ka!

VAN: ha? y? how come…. on what grounds did you base that accusation… that is … that is …….

AKO:

VAN: …. hoy?

AKO:

VAN: …….. hoy …………..

AKO:

VAN: hello … hellooooo… helloooo

AKO:

VAN: Yak! Nawala! Walang atang signal dito!

 

Posted by orangeyogurt at 10:39 am | permalink | Add comment