Squeezing.........

Home » Post Item » Mom Attacks!!!!

Mom Attacks!!!!

Tuesday, October 2, 2007

Di ko talaga mapigilan tumawa ng sobra sa ganitong eksena sa bahay… Here's the kuwento!!!

Nagtext yung tita ko from Iloilo na kailangan na talagang ipadala ang Birth Certificate ng pinsan ko para maihabol sa susunod na enrolment … which is like zillions of months from now pa naman di ba!!!?

Eh may diperensya sa mata Mama ko, kaya't nahihirapan magtext kung walang glasses. Tiyempong nagluluto sya kaya't inutusan nya ang kapatid ko to text my Tita for her.

Sister: Ma! Ano ite-text ko kay Tita??

Mama: (sa gitna ng sinangag at pritong itlog, eto ang mga litanya nya)! Sabihin mo….. nung natanggap ko  text mo nung nakaraang araw, tinext ko kaagad si Ancy (kalive-in ng Tito ko at kabit nya nman on the other hand ang Tito ko) na sabihan si Boyet (Tito kong basag-ulo) na asikasuhin na ang Birth Certicate ni Alex (pinsan ko na anak ni Tito Boyet). Pinuntahan na nya yung nanay ni Alex (na hindi namin alam ang pangalan) para kunin ang mga requirements at mapabilis ang pag-asikaso. Bakit kasi ako ang tinitext nyo eh, may cellphone naman yung tao. Alam nyo naman na simula lumipat ako dito sa Manila ay hinde na ako nagnenegosyo ng Pasa-Load. Akala nyo saken mayaman sa load. Idiretso nyo na kasi yung text kay Boyet. At tsaka hinde madaling pumila sa City hall at sa NSO. madami pang kailangan at madami pang dapat gawin. Ewan ko nga kay Boyet kung ano ang kulang nya sa requirements at di nya matapos-tapos. Nagtatrabaho rin kasi yung tao kaya minsan walang panahon… tsaka pakisabi kay nanay na inaasikaso na at intayin na lng ng ilang buwan… tapos, yung Birth Certificate na authenticated pinapasikaso nyo di ba?, oo yun nga! Mahirap kasi yun pag wala yung original! Malay ko ba naman kun papano pina-process yun, basta mahirap yun!!! Intindihin nyo na lang.. So bale, napuntahan na ni Boyet, tapos hiningi na requirements, sya itext nyo ha….tsak… ay oo nga pala,  tsaka… ay oo,… yun lng… wala na Anak, yun lng, wala na!!!!!!

(Tawa ako ng tawa sa mga idinikta ni Mama! Isipin nyo n lng kung papano mapagkakasya sa text lahat ng yun di ba! On the other end, yung kapatid ko namang inutusan magtext eh walang anumang reaksyon!)

Mama: O ano naisend mo na ba!?

Sister: Oo kanina pa!!

Mama: O!? Ano sinabi mo? Nasabi mo lahat ng pinapasabi ko?

Sister: Opo!!

Mama: Ano nag sinabi mo?

Sister: Basta lahat!!!!

Masyado akong naintriga kaya kinuha ko ang phone para basahin ang sent meassages, at dun na halos malus-los ang panga ko sa kakatawa!!! Eto ang tinext ng kapatid ko…..

TITA, INAASIKASO NA PO LAHAT!!!

Wahahahahahahahaha!!! Ahahahahah!!! heheheheheh!!! wala lng!! ahahahahah!! Talo pa ang sagot ni Ms. South Carolina sa Ms Teen USA!! Winner!! ahahahahahah

ahahahahahahah!!!!!

Winner talaga tong Nanay ko!

Luv you mum, kahit di mo ko pinapansin ngayon heheheh…..

Posted by orangeyogurt at 4:10 am | permalink

Add a comment