Squeezing.........

Home » Archives » June 2007 » Page 2

Marketing my friends Marketing!!

Saturday, June 2, 2007


 

Smart di ba!? Napaka-intelligent ng nakaisip nito!! heheheheh …. 

Surprisingly, this ad is not from the US. This ad is from Switzerland for condomshop.com. Kewl!!! 

More interesting ads after the jump

(more…)

Posted by orangeyogurt at 3:31 am | permalink | comments[11]

Si Pink Ranger at ang hudyat ng pagdadalaga

Friday, June 1, 2007

Dati, gustong-gusto ko na maging si RedRanger!!! Gusto kong maging kasing-kisig niya! Gusto kong maging kasing guwapo at kasing lakas niya!!! Sa aming magpipinsan, bilang eldest, parang ako ang lider-lideran sa grupo sa tuwing naglalaro kami ng PowerRanger-PowerRangers. Laging ako si RedRanger!!! laging ako ang kumukontrol sa Robot!! Laging ako ang nakakapatay sa kalaban!!! lagi akong bida… pero hindi ako naging masaya!!!

Nung mga sumunod na araw, habang nanonood ng PowerRangers! Na-realize ko na hindi ko pala gusto na maging si RedRanger… ayokong maging kasing-kisig niya, ayokong maging kasing guwapo niya, ayokong maging kasing lakas niya!! Ayoko! Ayoko! Ayoko!

May kakaiba akong nararamdaman kay PinkRanger!! Ang ganda niya!!! Ang seksi, ang galing, ang hinhin, crush siya ng kaibigan kong si Gerald na taga-Section 3!!! Akala ko eh… crush ko din si PinkRanger, pero hindi pala!!!

Sinibukan kong unawain ang mga kakaibang nararamdaman para kay RedRanger at Pink Ranger!!! Nang lubos ko ng naintindihan, pinilit kong huwag tanggapin… Gusto ko pa ring maging si RedRanger, at pinilit kung kumbinsihin ang sarili na crush ko din si PinkRanger!

Kamukha ni Gerald na taga-section 3 si Redranger at lagi naming pinaguusapan si PinkRanger. Sobrang crush niya si PinkRanger, mahal niya na nga daw!!! Ewan ko kung bakit, pero nung mga panahong yun… sabi ko sa sarili ko… sana ako din…

Ayokong maging si PinkRanger… yun ang pinilit kung isiksik sa isipan ko!!! Gusto kong maging si RedRanger, guwapo malakas, macho!!! Pero tuwing naaalala ko si gerald na taga-section 3, nakikita ko ang sarili ko na suot ang pink battle suit ni Pink Ranger.

Nanonood pa rin ako ng PowerRangers… pero habang tumatagal… lalo akong napatitig kay RedRanger… pinagmasdan kong mabuti… ang guwapo niya… amputi… ang macho…At doon ko uli na-realize na hindi ko gusto na maging siya pero gusto ko siya! At kasabay nun, narealize ko din na gusto ko si Gerald na taga section 3 !!!!

Ayoko nang maging si RedRanger!! Mas magiging masaya ako pag ako si PinkRanger!!! Mas gusto kong tumambling, mas gusto ko ang kulay ng costume niya!!! Mas gusto ko na maging siya!! Mas gusto ko na maging crush din ni Gerald na taga-section 3!! Ayoko ng pula!!! At iyon na ang hudyat na ako ay nagdadalaga!!

Chow!!!

 

from the balakubak mysteries ; my old blog from yahoo 360

 

Posted by orangeyogurt at 5:01 am | permalink | comments[12]