Squeezing.........

Home » Archives » 06. June 2007

Wavin buhbye!!!!

Wednesday, June 6, 2007

   

Paa ni Sooz, Paa ni Kat tsaka chempre Paa Ko

(pictures was taken by soon to be famous and well respected photographer ….. Sooooz!!!!!)

Why do I feel na parang iniwan ako ng summer ng wala sa oras? It was 2-3 grilling months na hinde ko na-enjoy!!!

Sobrang init (kasi summer nga di ba), sobrang OA ng init thast it made me glad na gabi ang trabaho ko! I dont have to endure the gruesome fate of those people na trapped sa traffic, sa excruciating na init, sa MRT, sa usok, tsaka sa siksikan sa bus!!  Meron din pala akong removable tan, courtesy of traffic at hangin sa EDSA (kasi mahilig nga akong sumakay sa ordinary bus di ba) .

Hinde pa pala ako makakatakas sa pabatya-batyang tubig kung di sa kawanggawa na itago natin sa term na "company outing"!  Mga a month ago pa siya, pero ngayon ko lng sya gagawan ng entry dahil di naman sya ganun ka explosive.

 The event was held in Clearwater sa Pampanga. At sa Bus pa lng eh lasing na si Kat! aheheheh

To quote Sooz, man-made nga talaga lahat! Man-made lake, man-made lagoon, man made beach, at sa sobrang busy nila sa kagagawa ng mga man-made thingy na dapat eh work of nature, nakaligtaan nilang gumawa ng banyo if nature kols! Pramis! Malaki ang problema ng resort na to sa banyo!!

I am so glad that Sooz tagged along. Let me rephrase that, I am so glad na nakiburaot si Sooz!! Libre pamasahe, libre food, libre inom, libre henna, libre massaga at sya pa ang may karapatang magreklamo ha!!! ahahahaha…

 

 We went there right after our shift, kaya medyo haggard. So, yung unang misyon namin ni Sooz when we got there was to look for a sampayan! Kami lng naman kasi yung mga pinagpalang tanga na nag-iimpake ng basa! We found our sampayan in this white bench na nanatiling exclusive sa amin for the rest of the day!

 Pero happy naman! We joined Kat and the super friends sa kanilang mumunting sulok, while the rest of the world are  doing the usual stuff that people do pag nakakita ng malaking bodies of water!!! We found fun in a happy place (sa ilalim ng puno ng mangga) which is actually dark and twisted!! heheheh ….

  Eto pa, yung nakagreen na parang tutubing di makalipad, si Izzah !!!! I am just so proud sa krenditas kong toh! She just proved to the entire nation na isa syang extremadorang tomadora also known as the grande laklakera fabulooza!! Yung lola niyo, ginawang tap water ang sangkatutak na ice cold beer in seconds! hahahaah!!!

At first, I thought, athletic lng si Izzah dahil nagbabadminton sya… pero inde pala… talagang adik sya sa games! Dahil lahat ng contest sinalihan niya! hehehehe … Kidding!! She was actually forced and was literally pushed and to make it worst … kinarga pa sa bawat contest na maisipan!! Isasali pa nga sana sya sa games na panlalke pero too much na! (joke!!)

Pero more andg score ni potah sa mga boylets! Part of every crowd… parang siya yung nagpa-party… parang may-ari lng ng kumpanya! aheheheh

I never realized the value of home when I was back in Iloilo. I didnt know that I would terribly miss it lalo na nung summer.  Guimaras and Boracay were just there at the kabilang ibayo and I didnt value that while we were hoppin to these places.

 Effort pala talaga in Manila na pumunta ng beach kaya sobrang namiss ko ang Boracay, Guimaras, at pati na yung Beach sa tapat ng school ko nung college. Back in Iloilo, 100 pesos is enough papuntang Guimaras at pabalik ng bahay. Yun nga lng, makikigamit ka lng ng beach at sariling hanap ng mga nakaw na sandali para makabanlaw sa banyo ng mga resorts. Boracay is just 1000 pesos away at kung wala kaming pera pinagtitiisan na namin yung dagat sa tapat ng College of Fisheries namin sa UP…. haaaay ….. The only moment na nakatikim uli ako ng saltwater dito sa manila eh nung nasobrahan ng asin yung niluluto kong tinola!

 This would mark the 2nd summer in my life na hinde ako bothered ng school clearance at kung saan kukuha ng perang pang-enrol ko! It feels a lot more different, kasi this time, yung pinuproblema ko eh kung saan kukuha ng pera pangenrol ng kapatid ko!

Hmmm…. Life!

Pictures from Clearwater, Pampanga after the jump!

(more…)

Posted by orangeyogurt at 6:45 am | permalink | comments[10]