Squeezing.........

Home » Post Item » Comedian?

Comedian?

Friday, May 4, 2007

ACT 1

Itlog daw!

830 am - Pucha! Ang aga… si Haring Araw akala mo kung sino na! So wala akong choice, kakasuweldo… kaya can-afford akong mag-tricycle!

Pagbaba mo ng Olympus (sa may Zabarte), may palengke dun at sa gilid naka-park ang mga tricycle!

"Kuya! Bldg. E, Special!"

(FYI: Nakumpleto ng Village namin ang Alphabet… though di ko pa nakikita ang Bldg. X, Y, Z!)

So! Go si Kuya! He confirmed it to me pa ha … "Bldg E sir?" … "Opo Kuya, Bldg E!"

So! Yun na! Takbo na si Kuya! Tapos biglang kumanan! Yung problema, e sa kaliwa yung bldg namin…. "Kuya? … Kuya! Kuya!! Bldg E po ako! San Po tayo pupunta?" ….. "Ho? Bldg E nga po! Punta po tayong Bldg E!!". At narealize ko na kung saan papunta ang tricycle … papuntang BLDG A!!  "Kuya!! Bldg E po ako, hinde Bldg A!!" ….. "E? Hinde ho ba itong E?" …. " Hinde po! A po yan eh!" …. "Ahhh… E! … E as in "IGG"? ", tanong sa kin ni Kuya!

Kinabahan na ako sa "IGG"… kaya sabi ko… "Uhmmm Kuya… IGG?… ahhh… Bldg E po!… E as in Elepante!" . Sumagot si kuya… "Yun nga E… "IGG"… E as in Elepante … E as in "SM"!!

So! Syempre nawindang ako sa statement ni Kuya na E as in "SM"!! "Po? Opo! Yun nga po! Sige ho! Bldg E!"

Naihatid nya naman ako sa tamang Bldg. Pero windang pa rin ako sa E for "SM".

11 hrs later - papunta na akong work. Nagaantay ako ng jeep sa may kanto. Dun sa may palengke sa tapat ng Olympus kung saan nakapark yung mga Tricycle. Pucha! Tawa ako ng tawa nung biglang sumigabong sa akin ang sagot sa tanong na bumabagabag sa akin buong araw!!! Isang malaking signboard, sa may taas ng palengke "ES-EM Wet and Dry Market" !!!  So dun pala kinuha ni kuya ang E for "SM"!!! Ako nga pala ang talagang nagmukhang tanga!! bwekhekhekhekehek!!!

ACT 2

Bawal!

Alam nyo naman siguro yung pink na rehas or whatever ng MMDA na naglipana sa buong Metro Manila di ba?

Nagaantay ako ng bus, doon sa tapat ng Robinsons, tabi ng pink nga na bakod or whatever. 4 mins na akong nakatayo dahil mapili nga ako sa bus. Ayoko ng air-con! Gusto ko yung ordinary bus na humaharurot!! Yung mga Nova (red and green), Jell (blue and white), o kaya Joyselle (white, blue and red) na bus. dapat maganda din yung upholstery (tama ba spelling?), maarte!! heheheh

Yun nga! 4 mins na akong nakatayo. Madami rin namang nag-aabang, may mga katabi rin naman ako, pero nauna na silang sumakay sa mga dumaan na bus.

Nakasakay na yung iba. Parang ako na lng ang natira. Napatingin ako sa likod ko at natawa sa karatula na nakasabit sa pink na railings or whatever!! Kodak moment ito mga kapatid, nakatayo akong mag-isa at sobrang klaro ang nakasulat sa karatula …. "Bawal ang Tao dito"!!!

wahahahahahah… O di ba… at that very moment… napaisip ako na dapat may kasamang soundtrack na "dito ba?… dito ba?… o dito ba?… ang dapat kong kalagyan …. la la la la" ahahahhaha… Buti na lng may dumating na rin ang bus na inaantay ko!! Di ko kakayanin ang another minute of it! It made me feel less human!! Chos!!! Arf arf arf!!!! Bwahahahhahahaha!!!

ACT 3

Asin!

Balik tayo mga 11 yrs ago! Ako ay hamak na Grade 4 pa lamang. I'm quite sure na kilala ng isa kong reader si Ms. Villanueva! Adviser ko si Ms. Villanueva that year, aside from teaching English, responsibilidad ng mga adviser ang magturo ng GMRC (may follow-up akong kwento pero sa susunod na)!!

Nahahati sa tatlo ang English subject namin; Language, Reading and Spelling. Reading kami nung araw na yun! Pinapunta nya kami sa page ng libro na kung saan ang title ng kwento ay "Why the sea is salty"!

Etong intro ni Ms. Villanueva! "Class, what do you think is the most important ingredient in cooking?". So obviously, salt ang sagot dahil nga sa yun yung topic sa kwentong babasahin namin ngayon di ba!?

Taas ako ng kamay! At ako nga ang tinanong! Sobrang lakas ng boses ko at abot hanggang mata ang smile ko habang sinabing "Ma'am.. SALT!!!" Nagaantay ako ng very good, o di kaya wonderful , o kaya excellent, o kaya eh kahit nice man lng!!  Nang nasabi ko yung salt eh wala akong narinig ni isa man sa mga salitang inaasahan ko! Imbes, isang depressed na Ms. Villanueva ang nakita ko na unti-unting nagsasalubong ang kilay! Natauhan lng ako na wala ng darating pa na Good or excellent o wonderful, nang nagtanong na uli si Ma'am ng "What else"!

Andaming sumagot. Pepper? Vinegar? Soy Sauce? Kalamansi? Vetsin? Tomato? Alamang? Sugar? Ketchup?

Humirit pa ko ng Iodized Salt… dahil baka mali lng yung una kong sinabi! Simpleng "tsk" lang ang narinig ko kay Ma'am Villanueva at tsaka niya tinawag ang classmate ko na sumagot ng onion! Nagiging parang contest kung ano ang tamang sagot! Marami pa ring humihirit… cooking oil? butter? olives? pickles? at akalain nyong may grade 4 na sumagot ng Sesame Seeds? heheheheh …. Ako yun!!

Sa wakas, wala ng humihirit! Na-exhaust na namin lahat ng bagay na makikita sa kusina! may sumagot pa nga ng sandok… ako uli yun!!!! hehehe

Eto na ang chika ni Ms Villanueva pagkatapos ng mahabang prusisyon! "Class, well, with those that you have mentioned, they are important but not as important as …. tan tan taraaaan…. SALT!!!!"  Walang umangal, walang tumingin sa akin, walang nagreact! Hinde ba kayo nakinig kanina? Di ba Salt yung sinagot ko!? Kaya nga wala ng umulit ng salt di ba, dahil alam ng lahat na nasabi ko na!!! What the? Aaaaarghhh!!! Natakot naman akong magreklamo! Ayaw kong patotohanan ang tsismis na nagtatapon ng bata si Ma'am Villanueva palabas ng bintana! Eeeee!!! Kainis!

 

 

Posted by orangeyogurt at 2:12 am | permalink

Previous Comments

hehehehehehehe

Posted by mitchi at September 26, 2007, 1:46 am

Add a comment