Squeezing.........

Home » Archives » 03. May 2007

Pucha! Bumili akong Cosmo!!

Thursday, May 3, 2007

April 30 2007 — I was strolling in "Gateway" (sosyal di ba? (napadaan lng actually (bumaba ng LRT 2 ( galing quiapo ( bumili ng mga dibidi) ) ) ) ) — (dameng parentheses)!!  , tapos, I just felt na someone's looking at me… malagkit ang tingin … may ibang hangarin… when I looked back … andun sya… still staring at moi … smiling … malandi ang smile nya … nakaputing polo … blue background … nice haircut … nalunod ako sa aircon ng gateway for 15 seconds nung narealize ko na COSMO pala ang magazine na tinititigan ko… si Piolo talaga oh … kung makatitig kala mo guwapo!!!  Napabili tuloy ako!!

Whaaaa… after 5 yrs!!! Bumili uli ako ng Cosmo!! Ayokong bumili sa stall na yun, coz I want this moment to be special … pumunta akong fully booked dahil gusto ko dun bumili… sosyal kasi pag may dala kang plastic ng fully booked… akalain mo ba namang sold out daw!!! weh!!! so… wala ng choice dun na ko bumili. at akalain mong nandun pala si KC Concepcion sa kabilang cover… hehehehe

Perfect combination di ba… truly "aspirational"… with these two on the cover… Cosmo was able to convey its message to the public… these 2 beautiful/rich/famous/fortunate/sexy/fashionable/superstars would certainly make you feel ugly/poor/unpopular/unfortunate/fat/regular/simple/awkward …. They would make you aspire for more!!!! You have to be like KC to get Piolo …. or… you have to be Piolo to get KC … or … you have to be KC to wear those clothes … or … you have to be Piolo to be with Sam!! Ay!!

I stopped buying Cosmo 5 years ago when I realized that I would never see my name in the masthead (ambisyoso) in any given future. Sober na ako sa kakabili… pero I was tempted seeing that this issue has 350++ pages and Piolo on the cover is totally momentous given that this would be the first time for a specie of Adam to grace Eve's magazine…..

Dont be surprised to see Enchong Dee or Dennis Trillo in FHM soon… ehehehe… joke!!! Pero di ba cute!!!

"Dont Read Beauty Magazines… It'll make you feel UGLY!!"
- Baz Lhurmann, "SUNSCREEN"

Che! Para kay Baz Lhurmann! Yun din ang sabi ko noon… Eh Bumili na ko!! So hinde ako ugly!!! (naiinis ako… while reding Cosmo… narealize ko na perfect example ako ng isang "ectomorph") (narealize ko din na sobrang saggy na ng skin ko) (eee… yellow na ng ipin ko) (mahal ba magpa-brace) (magkano kaya magpawas ng bibig?) (ano yung tawag sa proces ng pagbabawas ng gilagid) (ipa-adjust ko kaya yung panga ko)… O di ba! Im happy for who I am…

Pero na realize ko rin… we only live in this world once… meaning… while we live… kailangan nating pagtiyagaan ang binigay na face ni Lord… let's try to enjoy life sa kung ano binigay ni Lord… come to think of it …. God made a way naman di ba…. he gave us "Eskinol"!!! bweheheh

Posted by orangeyogurt at 6:39 am | permalink | comments[2]

Buhay pa ko no!

Howdy!!

You might think that I took the One Day Blog Silence too much — Hinde lang kasi One Day Silence— ginawa kong one week!!— I had this fasting from blogging kasi — in short…. walang oras — the truth is …. walang pera — at ang totoong kwento ay …. tinatamad lang!!! —- Havent posted a word for a week— kasi ganito yun— bisyo ko na ang mag-blog sa office di ba? —- eh na-promote ako ng di oras!!! — yehey!!!!— napromote lng ng team!!! — di naman posisyon — maganda na sana ang story— kaya lng… mukhang mali ata ang napiling location ni direk — hamakin mong nasa likuran ko lng ang manager ko — nasa left side ko naman yung ex-manager ko — at nasa southeastern side ko naman ang isa pang manager — and right above me… wala… kisame … and on my right side …. si aides …. pamangkin ni edu manzano — bale pinsan sya ni luis manzano — at every ten minutes ay dinadayo kami ng iba pang manager — at dito pa sila nagkakaroon ng assembly sa tabi ko — hrrrrmmph… — so… kapal naman ng mukha ko kung ladlaran kong ipakita ang mga anomalya na ginagawa ko sa opisina di ba? — ngayon alam nyo na… this site was made through illegal efforts — maliban na lng yung mga articles na ginawa ko sa internet cafe — rush — that wuold explayne the wrong sppeling — after kong magmaganda during training — bagong set naman ng pagmamaganda — mabuti sana kung malakas akong bumenta — eto at tuyo pa sa keps ng matandang virgin ang sales ko — ilang anting-anting na ang binii ko sa Quiapo — walang umuubra— haaaaay — marami na akong pinusta kay Papa God — una, sabi ko kahit wala na akong lovelife…. makapasok lng ako sa kumpanyang to — tinupad niya — next — hindi na po ako bibili ng porno makabenta lng ako — binigyan nya ako ng dalawang benta — next— sobrang isang buwan na akong walang benta — kahit na warm leads na ako ngayon wala pa rin — hinde ko na alam kung anong bisyo ang tatalikuran ko — wala na akong kaya pang ibigay — sabi nga ni Fred — "God always answers our prayers… but sometimes… the answer is… no!!! — hhuhuhu —Maiba tayo — Kaloka tong manager ko! — First time kong nagka–bossing na Amerikana — cool sya — sobrang affected sya sa kung ano man ang nararamdaman ng aso niya — ang galeng nyang mag-english by the way — hehehhehe — sobrang lalim na ang understanding naming dalawa — chinika ko siya one time — "I have this client … chorva chorva… chenelyn chenelyn kemer kemer cheneboom bambolblast ….." — "uhuh… uhuh… okay… yeah… uhuh…. cool…. great… uhuh…. okay… hmmm… good"…. eto lng yung mga sinagot nya — take note… verbatim pa yan ha!— alam ko namang wala syang naintindihan sa mga sinabi ko — good sya ng good — chaotic na nga ang mga scenario na pinagsasabi ko!!! — ahihihi — wala naman akong planong gumanti — pero, as what I've said… may understanding nga kami di ba — so sya naman yung nagkwento — " In cases like that … chika-chika… kemer kemer… lalala" — simpleng napakalaking smile with no effort with matching labas gilagid ang template ng mukha ko — habang pasagot-sagot ng really?… cool… ohhh… exactly… sure… really?… uhuh… hmmm…aaaaa….uhuh…aaaa…. sure… sure sure sure…. tsaka yung walang kamatayang …. fabulous!!! — o di ba… — nakakainggit yung bonding namin — hehehhe — Birthday nga nya ngayon eh — may maganda syang naidulot sa buhay ko ngayong araw na to — nakatikim na rin ako ng cake galing Starbucks na hinde ako nagbayad — hehhehehehe—

— buhay!!!

Posted by orangeyogurt at 5:38 am | permalink | Add comment