MYX MO MUKHA MO!
I confess! Fine! Pumunta nga kami sa event! Libre eh! Why not! Pasay City was flooded with punks and rakistas! To avoid vivid imagery see pic below courtesy of superb photographer jakee!

So eto na yung chika…. We arrived around 6:30, kami lng ata ng kapatid ko ang mukhang … uhmmmm…. let's make it this way na lang…. kami lng ang hindi naka-black! Sobrang nerbyos ako nun! Sobrang dami ng tao! Ganito lahat ang itsura!

Galing ni Jakee anoh!, Anyway, our outfits helped a lot. May mga bouncers at di ko alam kung bakit iba yung treatment sa amin! We found a good spot without squeezing ourselves in and without being slapped… Sobrang bait nung mga bouncers sa amin! Pero before nila kami tinulungan, na-shock talaga ako sa inabot na gulpi ng ilang spectators mula sa bouncers! Ang gulo naman talaga kasi at super tigas ng mga ulo!
Para kang gatecrasher sa annual meeting ng isang kulto! Significant number ng kabataang pinoy ang nagtipon-tipon, to quote my bespwend Rizal …. tayo ang hope ng ating nation! Pag naisipan ng Abu Sayyaf na bombahin ang event, wasak na ang considerable amount ng pag-asa na pwedeng ibigay ng group of youth na to! Good thing hinde pa to nag-crossover sa isip ni Kumader Abubu…. pero feeling ko, if ever, walang manghihinayang! sorry ha!
Kung nandun kayo, you'll experience the kabastusan ng mga Filipino to the highest level! We were able to catch the pre-show and it was great! Naabutan pa namin ang Stonefree, Chillitees, Callalily, Six Cycle Mind, Protein Shake…. Sobrang ganda ng mga performance kahit tigdadalawang kanta lng —-> pero going back sa kabastusan, Kilala niyo si Amber? Ayun, nagperform ang potah, puro pak yu ang inabot! Habang gumigilinggiling, habang kinakanta yung single niya na Manila, puro pak yu, dobol pak yu tsaka basura ang natanggap niya sa stage kasama ang negrong back-up niya! Fine! I-consider na natin na rockers yung mga nandun, pero hinde naman kailangang bastusin ang mga performers porket RnB di ba!? Ambabaw! Kaloka! Parang nagsisisi na siguro si Amber kung bakit tinanggap niya yung kantang Manila! Feeling ko nasusuka siya everytime kinkanta niya yun!

Next! Main event na! Sobrang comfortable na kami sa spot namin, habang todo habulan pa rin ang mga bouncers at ilang super kuleetz na mga adik na nagkakalat ng lagim sa event! Wala talagang mga disiplina!
Lights off! Sabi nung announcer, " We cant start the event unless everyone would settle down"! Inulit niya ng ilang beses given small intervals! Sobrang sigawan yung mga tao! Ambabastos sobra! Nag-start ang show kahit hindi sinunod yung request!
Pambansang awit! Imbes na irespeto ang Lupang Hinirang, napalitan ang lyrics ng Boom Tarat Tarat! Sigaw uli sila! Pag buhay si Rizal, nilunod niya na malamang ang sarili sa isang baldeng Tanduay Dark! Opening act ang Sandwich, pumasok yung mga VJ's! Sobrang ganda ni Iya by the way! Sumunod na nagperform ang Kamikazee! Yun yung talagang tinatawag na groundbreaking! Sabay nagtalunan, nagwala ang mga tao! Gumagalaw talaga yung lupa pramis! Kinabahan na talaga ako! Doon lang nag-sink in sa akin na potah sobrang dami pala talaga ng tao! Nakaktakot yung dami! Nakaktakot na nas gitna pa kami ng crowd! Ganda ng spot namin kasi parang secured na maluwag, kami lang ata yung pinapasok dun nga bouncer, nasa likod kami nungmga cameramans, so sobrang okay yung view! Yung concer ko e kung paano kami makakalabas!
Naputol ang performance ng Imago (they came next after Kamikazee)! May gulo sa likod, may mga nagkakasakitan na! Sabi nila, aayusin lang yung gulo tapos continue na ang show! 10 mins, 15… 20 … hinde naayos! Nakiusap yung channel manager ng MYX to settle down… 10… 15… 20 mins… walang nangyari!
Masakit man for MYX pero the show has to be cancelled! Hinde na pumayag ang government ng Pasay!Mahirap na baka maging Wowowee 2 eto! Sobrang nasayang yung event… sayang yung Slapshock, yung SpongeCola, Razorback etc…. Mga ulol kasi eh! Kung disiplina ang kailangan para sa kaunlaran… hinde na uunlad ang Pilipinas!! That is the painful truth! Masakit lulunin anoH? The show ended 9:30, wasak ang gate take note!! Butterfly effect! Nawala ang balance sa Manila! Tumodo ang traffic, gumulo ang kalsada, sumikip ang Star City, may nanakawan sa Pedro Gil, napuno ang police station,….. dumiretso ako sa Baang sa Timog at nagkape!
Siya nga ba?
Hindi ko alam kung ano ang chika tungkol dito! Here is one of Angelica Panganiban's pictures from her GSM calendar pictorial! Napanood ko si Angel sa Lovespell …. ganito ba talaga katawan niya! Ito ba ay makatotohanan o isa na namang produkto ng nakakamanghang isip ng tao gamit ang tinatawag nating "photoshop"? O baka ito ang tinatawag na inhale lng iha! konti na lng! Cge inhale pa! stomach in! Okay ka lng? Pwedeng inhale ka pa uli!
Enlighten me!
Pero nice hah! Kung siya man to o hinde, ganda ng pic! Soon to be seen sa dingding ng mga tindahan, sa dingding ni kuya, ni papa, ni lolo, tsaka sa dingding ni Carlo Aquino!

hekhekehek… esmyuskee, esmyuskee
more pics from her GSM Calendar














