Squeezing.........

Home » Archives » 26. October 2006

Katipunan Scandal!! Ako yung starring ulol!!

Thursday, October 26, 2006

Try to imagine waking up in the middle of the street around near noon, no idea how in the most possible way you ended up in the middle of traffic,left with no exact recall of what happened for the last 8 hrs and in a situation most commendable for looking like a taong grasa with no effort at all…. Let me tell you… I know how it feels!!

Hinde tsong seryoso!If you happened to pass  Katipunan intersection,Tuesday morning before 10am, dun ako sa other end papuntang Libis, sa may gitna ng high-way, lalakeng nakablack, tulog, nakahawak sa railings, nakakahiya man sabihin pero ako po iyon!Salamat sa MMDA for being hospitable and for such accommodation!I-rerecommend ko kayo sa mga friends ko, dont worry!

Like sobrang shocked ako when I woke up! I was wondering kung bakit sobrang init ng nararamdaman ko sa likod… just to realize na ang taas na pala ng araw!!! At hinde galing sa ano mang window ang rays of sunshine dudes and dudettes!! Nakahiga ako sa gitna ng highway na parang tuyo na binibilad sa araw!!I had no expression at all when I woke up sa sobrang shock!! Sobrang tagal bago nag-sink in sa akin ang sitwasyon ko sa mga oras na iyon! Inikot ko pa ang intersection ng ilang beses para makapunta sa sakayan papuntang Balara, talagang tuliro, az in nakakatawa.

Tiningnan ko ang mirror sa jeep at talo ko pa si Kirara sa kaitiman ng fez ko! Sheiks sobrang kakahiya!!

Going back 9pm, Monday, nag-meet kami ni Fred sa  Jollibee sa Katips, nagpunta ako ng cr at parang adik na nagsikuha ng sandamakmak na tissue… Parang may hunch na ako na malaki ang maitutulong nito later! At kurak, kung wala ang tissue ay magmumukha akong pwet ng kaldero all the way home!! Sobrang itim ng tissue for the record!!

Ganito kasi, Fred decided for us to have a drink before going home to Iloilo for the sem-break! So go ang lola mo and go go sago sa nomo-nomo… Go kami sa Drews sa Katips, at Fairview pa ako nakatira ha!! Eto lng masaya dun, Monday night pero its raining men sa Drew's!! Mga konyo bonanang Atenista at kalorkang mga Michimakaru na waji magawa kundi mag-nomo-nomo galore, habang ginagawang pulutan ng mga badafs ang mga karnelicious muscles nila at nakakamatay fatal na mga krefas!! John met some friends pero wit niya keri na join sila sa club!! So solo namin ang inuman.

After ng dalawang pitcher… yung isa iced tea tapos yung 2nd round namin strawberry!! Waji na akong buhay!! More than 26 hrs ba naman akong gising, hindi pa nakatulog kahit isang wink!

Earlier kasi pumunta ako kina Sheryl sa Tondo para kumain lng ng pansit bihon habang wait ako sa parating na barko galing Iloilo to fetch someone na sabi sa akin eh 11 darating pero 2:30 pa pala darating!! Sa sobrang traffic sa Manila eh 6 na ako nakauwi at kumain, naligo at lumayas na naman ….

So wala talagang pahinga ang lola niyo… sa gitna lng pala ng kalsada ko makikita ang tinatawag na pahinga!!! heheheh!!!

Wala lng. Sobrang astounded lng ako sa mga nangyari!! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko!! Natatawa ako na nanginginig, na kinikilabutan na nahihiya na natatawa uli at natatawa na naman uli at napapabilib sa sarili ko na ewan!Natutuwa na di naman dapat, natatakot na di rin naman dapat!

Eto yung mystery, ano ang mga nangyari between 1 am hanggang 10 am? Eto yung mga clues… last scene sa mind ko ay yung mga babay na mga eksena… di ko man lng maalala kung ano ang nangyari sa mga betchicola naming mga michimakaru! When I woke up nasa labas ng pocket ko ang cellphone ng kapatid ko, walang gumetlak kasi 8810 lng! Tapos when I checked my pocket may apat na ponytails and i only had one and i'm sure about it, may michimakaru ako na naaalala na somehow recurring sa memory ko pero hindi ko ma-confirm, may ponytail rin siya long-hair!!! Hmmmm…. Paano ako lumanding sa gitna ng kalsada? Saan nanggaling ang scratches sa upper left part ng chest ko? Bakit masakit ang right arm ko? Saan nagtatago si happiness… wala talaga akong maalaala!!Haaay!!! Magiging mystery na ba ito forevah!!

Pero thank God I am alive at walang masamang nangyari!! Mwah Mwah Mwah!!! Chos chever na!! Nakakaloka lng talaga!! Hrrrmph!!

Posted by orangeyogurt at 4:45 am | permalink | comments[25]