Squeezing.........

Home » Archives » August 2006 » Page 6

Walang Kwentang Days-Off

Wednesday, August 2, 2006

Footoong ina moy!! Paksheteeboomboom!!! Okay na ang sipon… mas okay na ang ubo… mas matatanggap ko pa ang flu! Pero why! Why! Sa lahat ba naman ng pwede kong mapagdaanan bakit toothache pa ang kailangan kong i-burden sa mga araw na dapat ay nag-e-enjoy ako!!!
    It's different compared sa lahat ng pain na napagdaanan ko in life! Mas masakit pa siya nung iniwan kami ng tatay ko! Mas masakit pa siya nung nahulog ako sa puno ng Indian Mango! Mas painful pa siya ng malaman kong may ibang mahal ang labs ko!!
    Para siyang near death experience!! Kakaiba ang feeling! Habang parang tinutusok ng ice-pick ang gitna ng ipin ko at dahan-dahang tinotorture ang bawat cells ko sa katawan, may nakikita akong outing usok (na usok pala galing sa mainit na tubig na pangmumog ko!)!! At that moment of pain and suffering… na-appreciate ko ang life! Na-appreciate ko ang mga araw na ginawa ni Lord na hindi masakit ang ngipin ko!! Na-appreciate ko ang parents ng kung sino man na umimbento ng Ponstan, Gardan at Mefenamic Acid!!! Thank You!!!
Ultimong kaluluwa ni Sultan Kudarat tinawag ko mawala lang ang sakit!! Matagal bago ko naramdaman and effect ng pain-killers hanggang sa nakatulog na ako habang pinatutugtog ng kapatid ko ang soundtrack ng HighSchoolMusical!!!
    At para siyang himala!! Nagising ako na wala na ang sakit!! Isa siyang himala!! Parang niloko lng ako ng ngipin ko!! Nagpapapansin!! Kailangan ko na raw mag-toothbrush regularly!! Kailangan ko na raw magsipilyo araw-araw at every after meal!!
    Ito ang isa sa mga bagay na kailangan mong mapagdaanan para tuluyang matutunan!! Kailangan mong maloka at mabaliw para magising sa kung ano man ang katotohanan!! Hindi mo mare-realize ito through books o kahit sa panonood ng sineskwela!!
    Bras yor tet bepor yu slep! bepor yu slep!!! bepor yu slep!!!
Chow!! 

Posted by orangeyogurt at 3:54 pm | permalink | comments[2]

Unfortunately….

Tuesday, August 1, 2006

 
      

    Yep!!! They're back into each other arms!!! After the break-up, these two realized that they should give their relationship a second shot!! Now aint that cute!!!

Posted by orangeyogurt at 4:57 pm | permalink | comments[3]